Sunday, March 13, 2011

FINALLY! THE ORIGIN OF PROTO-ZAP REVEALED!

From here starts his graphic adventures, Ben Tablet The Pixelated Hero PROTO-ZAP!

Naturingang graphic artist pero di nagawang ma-design ang kanyang mask.
STORY:
Nakuryente  matapos paglaruan ang nag-hang na kompyuter, ang graphic artist na si Ben Tablet ay nabugok, sinugod sa hospital at nagtaglay ng pambiharang amoy (sunog na kanin) at kapangyarihan!

Bakit siya nakuryente? Clue: katangahan.

"Ano naman ang magagawa ng Photoshop para baguhin ang mundo?"

Sa puntong ito, hindi maka-decide si Ben kung mas idol niya si Kamen Rider o si Ultraman.

Ang kanyang super lufet, super gwabbeh at super nerd na kapangyarihan --gawin ang anumang kayang gawin ng Adobe Photoshop! Gamit ang kanyang isipan at cinematic o.a. pakyut na mga kumpas ala wingardium leviosa, nagagawa niyang mang-FREE TRANSFORM, INVERT, LIQUIFY, DELETE LAYERS at sangkaterba pang karumal-dumal na ka-nerdan!


Hindi patok ang ukay-ukay sa mga bakal-bote pros.

Suot ang kanyang GRAPHIC PROTO PLUG-INS BELT, na tumutulong sa kanyang digestion at sa accurate na pag-kontrol sa kanyang powers, ginamit ni Ben Tablet ang kanyang natatanging kapangyarihan sa katamaran, kalokohan, kabastusan, ngunit higit sa lahat sa KABUTIHAN (ung taniman ng kabute?)

KATAMARAN: Aanhin pa ang pintura kung may Color Fill Command naman pala.
KALOKOHAN: May ilang pagkakataon na nagha-hang din ang pasensya ni ben sa mga makukulit na kliyente.
KABASTUSAN: Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit niya kinailangan ang PLUG-INS BELT.
KABUTIHAN: NERD-LEVEL 5/5! Sa mga naka-intindi, paki-explain na lang sa mga hindi.
At kinilala siya ng mga tao bilang... PROTO-ZAP!

Abangan ang mga comic strips na ipo-post dito sa Pilosopotassium.
**When jokes get too technical, any questions posted in this entry will be answered by me. Thanks, I'd love to read from you. :D

18 comments:

  1. Galing!!! iba talaga! Proto-Zap!!!

    ReplyDelete
  2. heheh ang cool naman nito! asteeg =) -candy leo

    ReplyDelete
  3. woooohooo! lupet talaga!!! :D

    ReplyDelete
  4. wala bang "like" button dito? hahaha! si Proto Zap na ang bago kong superhero! taob sa kanya si Superman! ahahahaha ;) - WonderWoman

    ReplyDelete
  5. Thanks everyone, be sure to check his coming adventures. Your great responses made me wanna draw more.
    To wonderwoman, hindi lang taob si Superman sa kanya, i-transform-flip vertical n'ya pa! Haha. :D

    ReplyDelete
  6. Pre dapat mag bayad ang Adobe sa advertisement mo sa software nila, hahaha! tsaka parang alam ko kung anong object yung minosaic mong ulo nya. hahahaha!

    ReplyDelete
  7. Alhatron, hehe hindi bastos ung ginamit kong image para ipixelate yan! heheh. oo nga eh, free advertisement at free tutorial :D

    tol i-guest dapat dito si alhatron :D

    ReplyDelete
  8. Hehehe ayos yan special participation, pero natawa and natuwa ako dito sa concept na to, galing mo dude! Mabuhay ang pinoy artist!

    ReplyDelete
  9. lufet!!! luvet! nabuhay ka nanaman lamok, idol...aSus naman dapat noon mo p 2 sinimulan...ito n,ito na ang simula ng pagyaman mo! payabang k na!miss u pare! gayle-lmc

    ReplyDelete
  10. hahaha! dami kasing arte s pag popost ng comments!!! sana simplified lang! ^_^

    ReplyDelete
  11. sana medyo malaki txt...ung iba mahirap basahin!!! sali kami ni jo!!!kalabanin ni protozap c madam pusit!!!nyahahaha ang pagtutuos!

    ReplyDelete
  12. Wahahahahahaha! Ang cool naman nito! :D

    ReplyDelete