Friday, June 01, 2012

Ligaw na Tula 2: Bangungot

May mga pagkakataon na binabangungot tayo. Sa loob nito, takut na takot tayo. Pero paggising natin at ikinwento natin sa kaibigan o sa kung sino 'yung bangungot, hindi naman pala nakakatakot.


May mga pagkakataon ding gising tayo at nabubuhay nang normal. Sa loob nito, ayus-ayos lang, ngiti-ngiti, apir-apir. Pero 'pag ikinwento natin sa sarili natin ang mga bagay sa loob ng normal na araw na 'yun, nakakatakot pala. At kung maaari'y ayaw na natin makatulog.

Siguro dahil takot tayong bangungutin.

No comments:

Post a Comment