Tuesday, May 08, 2012

Walang Punitan ng Brip!

(Kahit pa wala namang "naka-brip" sa Earth's Mightiest Heroes --at least sa pelikula)

"Of course!" ang sagot kung napanood ko na ang Avengers.

It's not actually a different opinion.
(Tugon ko sa sinabi ng kaibigan kong "a different opinion,"
regarding the article sa internet na bumabanat sa Avengers movie)

Medyo common na ang opinyon ng author
sa mga simbolismong Amerikano at kung paanong sila na lang lagi
ang superhero o bida ng mundo.
Gano'n rin ang hinanakit ko panahon pa man
ng punyetang Armageddon at Independence Day.

Pero 'wag na niyang galawin ang Avengers ko.
Oo at lahat halos ng tae ng Amerikano ay pare-pareho.
Pero walang basagan ng trip. O walang punitan ng brip.
Dahil sa Avengers at kay Spider-man ako lumaki.
Hindi ako nagkaroon ng barkadang kalaro sa labas.
Hindi ako nagkaroon ng berks na mga totoy o nene sa lugar namin.
"Almost tanging" si Spidey, si Thor, Iron-man, Hulk, Capt. America
ang sumama sa akin sa bawat hakbang ng kabataan ko.
Sa kanila ako gumaling magbasa, lalo na sa Ingles.
Sa kanila ako natuto magkuwento.
Sa kanila ako unang na-challenge na isipin kung ano ang wala naman.
Kaya ipaglalaban ko sila tulad ng tunay na barkada.

Maaaring mapabarkada tayo sa mga gunggong.
Maaari ring maging kaibigan natin ay 'yung mga tukmol na baliko kung mangatuwiran.
Pero kung pararatangan silang gunggong ng iba, hindi ako papayag.
Kung bigla na lang sa kanto ay may gumulpi sa kanila, papalag ako.
 
Gusto ko, ako lang ang tatawag na gunggong sa kaibigan ko.
Hindi pwedeng iba. Lalo pa kung hindi naman sila kilala.


This image is owned by its owner. I am not that owner. Here's the link if you want to see other images as good as this one. http://kirbymuseum.org/blogs/kirby-vision/2009/11/30/the-mighty-avengers/

No comments:

Post a Comment