Wednesday, February 23, 2011

MANG BEN KYOMIKS: BAKALTOS!


Isang istorya ng rags to riches, ang magbabakal na si Juju Vilangnwebe ay nagsumikap sa junk shop nang mahabang panahon (mga mahigit sampung dekada).  Sa araw-araw na pakikipagbuno sa kalawang at grasa siya'y tinaguriang D.O.M. --ang maduming mashonders. Subalit balot man ng kalawang ang puso, nanatiling senior citizen ang kanyang sense of justice (may ilang haka-hakang ka-batch niya si Kalantiaw). 

"They say ang ngiti ng tao ay depende sa katayuan niya sa buhay."



Isang April Fool's Day, naaprubahan ang batas na pwedeng ipa-encash ang edad, ang shonders ay biglang yumaman nang di masukat na antas! Agad na nagbitiw sa trabaho ang ilang mambabatas na nagpasa ng panukalang ito at ang isa'y nagbaril pa sa sarili sanhi ng  hindi magandang biro.




Best weapon: Apol-Ray
Sa nakamit na kayaman, nakapagpundar si Juju ng junk shop na halos katumbas ng kanyang edad. Ngunit isang gabi, nilooban ng mga nangangahoy ng bakal at jejemong naligaw ng landas ang kanyang paboritong junk shop. Gamit ang mga bakal at talino, binuo niya ang junk armor at pinitpit na parang tansan ang mga losers. At mula noon naisip niya, "ang junk ay mananatiling junk, kung di gagamitin sa justice! Unless gawing junk food." Sa ganoong layunin, isinilang ang mandirigmang tigasin! Matigas ang puso! Matigas ang ulo! Matigas ang t*%#!

Strength: Mag-platsa
Weakness: Kurdon sa likod

5 comments:

  1. Galing. Another series from katukomal. I'll be waiting for his final match against "sariling kurdon" lol

    ReplyDelete
  2. Hi AandW. Sounded like a fastfood to me. Thanks for the support. :-)

    ReplyDelete
  3. whoohooo may kasama na pala akong nakikibakal sa indie comics!! BTW sir ako po si boy bakal

    http://boybakaljunkshop.blogspot.com/

    halo parehas tau nang concept, well gusto ko sana makipag collaborate sa inyo at gumawa tayo ng comics about "bakal" at tatawagin natin itong "bakalan 101" hehehehe nice long live BAKALTOS!!

    ReplyDelete
  4. Haha hi Boy bakal, I clicked your site too. Nakakatuwa naman. Follow din kita. Thanks for this ha. :D

    ReplyDelete